KATATAWANAN SA “MS. Q AND A” AT “CASH-YA” NG “IT’S SHOWTIME,” TRENDING ONLINE

 

Patok na patok sa mga manonood at maging sa netizens ang mga segment ng “It’s Showtime” na “Ms. Q and A” at “Cash-Ya” kaya naman araw-araw itong inaabangan ng bawat kabahayan at pinag-uusapan sa online world.

 

Lubos nga ang natatanggap na papuri at suporta ng naturang segments ng palabas na patuloy na lumilikom ng libo-libong tweets sa Twitter at shares sa Facebook. Patok din ang mga ito sa YouTube kaya naman pumapalo sa higit sa isang milyong views ang videos ng naturang segments.

 

Sabi ng Twitter user na si @iddaidz, “Nakakawala ng pagod at stress ‘tong ‘It’s Showtime.’ Lalo na itong CashYa at Ms. Q and A!”

 

Tuwang tuwa naman si @itsmelykalykz sa kulitan ng hosts sa “Cash-Ya.” “Team Vice vs Team Nadine ang bumubuo ng tanghali ko,” sabi niya.

 

Pagbabahagi naman ni @loudcas, “Total entertainment talaga ang ibinibigay sa akin nitong ‘Ms. Q and A.’ Sobrang panalo!”

 

Todo tutok na nga ang buong bayan sa kakaibang ganda at talino ng mga kalahok ng “Ms. Q and A” na binibighani ang mga manonood sa kanilang enggrandeng mga kasuotan at mala-beauty queen na sagot sa iba’t-ibang katanungan. Patok din ang pakikipagsabayan nila sa kulitan sa hosts ng programa na lalo pang nagdadagdag ng saya sa pananghalian.

 

Inaabangan din ang mainit na tapatan ng hosts sa “Cash-Ya” kung saan kailangang pagkasyahin ng dalawang grupo ang bawat miyembro ng kanilang kupunan nang hindi nasisira ang mga bagay na kanilang sasakyan o susuotan. Dagdag din sa saya ang biruan at asaran ng hosts sa kanilang hangaring manalo sa bawat challenges.

 

Bukod naman sa dalawang segments, tinututukan din ang bakbakan ng bosesan sa year two ng “Tawag ng Tanghalan” na patuloy na nagbibigay pagkakataon at tumutupad sa pangarap ng mga mang-aawit mula sa bawat panig ng bansa.

 

Huwag palampasin ang good vibes na hatid ng “It’s Showtime,” tuwing tanghali sa ABS-CBN at sa ABS-CBN HD (Sky Cable ch 167). Para sa past episodes ng programa, pumunta lamang sa iWant TV o sa skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers.

Kisses Delavin and Zanjoe Marudo bibida sa Goblin Pinoy Adaptation?

Ito ang Instagram Post ni Kisses kasama si Zanjoe Marudo sa loob ng Abs-Cbn Compound at mapapansing tila masaya ang Dalawa.Bakit Kaya sila Masaya?

Kaakibat ng Photo nito ang caption na:

“With my Kuya!!! Ps: He is so mabait. Which makes him 11559x more handsome! See you again,kuya G*** R*****!”

Kung mapapansin sa last caption nya ay meron itong “G*** R*****” na agad hinulan ng mga fans bilang Grim Reaper na karakter ng sikat na Koreanovelang GOBLIN.

Kamakailan ay Gumawa ng Poll ang Abs-Cbn sa kung sino ang gusto ng madla na gumanap sa mga Character ng Sikat na Koreanovelang “Goblin” kung magkaroon man ito ng Pinoy Adaptation at naging matunog nga ang mga pangalan nina Kisses at Zanjoe.

Kung Totoo ngang Magkakaroon ng GOBLIN Pinoy Adaptation,approve ba sa inyo sina Kisses at Zanjoe bilang Erin at Grim Reaper,Kapamilya?

SINO KINA MICA, JONA, ISABELA, AT JEREMY ANG TATANGHALING KAUNA-UNAHANG “THE VOICE TEENS” GRAND CHAMPION?

Sa bansa at sa buong Asya…


 

Mula sa libo-libong nangarap at matapos ang pambihirang pinagdaanan sa mapanuring mata ng coaches at publiko, magbabakbakan na sa kanilang huling showdown ang grand finalists na sina Mica, Jona, Isabela, at Jeremy para tanghaling kauna-unahang “The Voice Teens” grand champion sa bansa at buong Asya.

 

Umaatikabong labanan ng boses ang mapapanood sa grand finale ng top-rating singing-reality show ngayong Sabado at Linggo (Hulyo 29 at 30), kung saan itotodo na ng apat ang kanilang laban para sa pamilya at pangaral.

 

Boses na lamang ng publiko ang maririnig kaya naman tanging text at online votes lang ng mga manonood ang siyang hahatol kung sino ang tatanghaling kampeon na magkakamit ng fashion package, business package, dental service package, P1 milyong cash, P1 milyong halaga ng trust fund, P2 milyong life insurance, recording at management contract sa MCA, at bagong house and lot.
Tatlong rounds ang kailangan pagdaanan ng finalists upang ligawan ang boto ng mga manonood – ang duet kasama ang kanilang coach, isang upbeat performance, at isang power ballad na siyang magiging finale song nila.
Bagama’t maraming sumusuporta at humahanga sa kanila, labis na pressure hindi lang sa pagpe-perform ang kanilang nilagpasan para lang patunayang karapat-dapat silang manatili sa kumpetisyon.

 

Marami na ang bumilib kay Mica ng Team Lea sa blind audition pa lang niyang humakot na ng 9.8 milyong views, ang pinakamataas sa lahat ng teen artists ng season. Sa simula pa lang ng kanyang laban, inihayag na niya ang kagustuhang niyang bigyang inspirasyon ang ibang kabataang sumubok ng ibang genre.

 

Nakilala man sa kanyang operatic singing, ipinakita ng pinamagatang Soprano Girl ng Surigao del Norte na kaya rin niyang umawit ng pop at lagyan ng sarili niyang tatak ang mga sikat na awitin.

 

Hinasa naman ng singing contests ang 14 taong gulang at four-chair turner na si Jona, ang Tabing Ilog Sweetheart ng Davao. Dala ang kanyang pangarap na mailipat ang pamilya sa bagong bahay mula sa mapanganib na tahanan sa tabi ng ilog, gagamitin ni Jona ang lahat ng natutunan mula sa mang-aawit na ama at kay coach Sarah.

 

Ipinakita rin ni Jona ang kanyang tapang sa pagtanggap ng mga kantang humamon sa kanyang versatility. Mula sa blind audition, naging tuloy-tuloy na ang mga papuri sa kanya dahil sa pagkanta niyang mula sa puso.

 

Gaya ni Jona, palaban din sa stage si Isabela mula Kamp Kawayan ngunit nakatanggap ng matitinding pamumuna mula sa bashers. Kaya naman hindi nagpahuli ang kanilang coaches, lalo na si coach Lea, sa pagtatanggol sa kanilang talento at abilidad sa show man o online.

 

Hindi naging madali kay Isabela ang lumaban sa show bunga ng online bullying dahil sa pagiging isang celebrity daughter niya. Upang labanan ang samu’t saring batikos, ibinunyag ng Spunky Singing Beauty ng Pampanga na pinaghirapan niya ang pwesto sa kumpetisyon at pumila rin sa Manila auditions kasabay ng libo-libong aspirants sa show.

 

Sa huli, hindi nagpatinag si Isabela kaya naman patuloy pa ring inaabangan ang astig at agaw-eksenang performances niya upang patunayang karapat-dapat siyang magkaroon ng lugar sa industriya.

 

Tumataya naman si coach Sharon kay Jeremy, ang Charming Cutie ng California, na maging kauna-unahang “The Voice” champion na magmumula sa team niya. Laki man sa Amerika si Jeremy, taglay niya ang isang pusong Pinoy.

 

Marami nang pinakilig at pinahanga si Jeremy dahil sa pagkanta niya ng madamdaming OPM ballads. Ano pa kaya ang pwede niyang ipakita sa grand finale?

 

Kaninong team manggagaling ang kauna-unahang “The Voice Teens” grand champion? Sino kina Mica, Jona, Isabela, at Jeremy ang magbibigay ng pinakanakakamanghang performances at siyang papanigan ng publiko?

 

Huwag palampasin ang kapana-panabik na bakbakan ng apat na teams sa “The Voice Teens: Grand Finale” ngayong Sabado at Linggo (Hulyo 23 at 24) sa ABS-CBN at ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Mapapanood din ito nang live ng mga Kapamilya sa ibang bansa sa tfc.tv/Voice. Para past episodes ng palabas, mag-login lamang sa iWant TV o sa skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers


LizQuen and Kathniel enters Top 10 Highest Grossing Film of 2017

Star Cinema’s Two Blockbuster Films My Ex and Whys by LizQuen and Can’t Help Falling In Love by KathNiel pasok sa Top Highest Grossing Film ngayong taon.

Ang My Ex and Whys nina Liza Soberano at Enrique Gil ang kasalukuyang nasa trono bilang Highest Grossing Filipino Film of 2017 na kumita ng P270M(P341M+ Worldwide) at kasalukuyang nasa pang anim na pwesto.

Samantalang ang Can’t Help Falling In Love nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ay kumita naman ng P234M (P320M+ Worldwide) at kasalukuyang nasa pang pitong pwesto.

Ang dalawang Star Cinema Film nga ang tanging Filipino Films na nakapasok sa Top 10 na nakipagsabayan sa mga Bigating Hollywood Films kagaya ng Beauty and the Beast,Wonder Woman,Transformers at Logan.

Here’s The Updated List of Top 10 HIGHEST GROSSING FILMS OF 2017(as of July 9’2017):

1. Beauty and The Beast | Walt Disney Pictures | P678M

2. Wonder Woman | Warner Bros. Pictures | P525M

3. Fate of the Furious | United International Pictures | P384M

4. Guardians of the Galaxy Volume 2 | Walt Disney Pictures | P318M

5. Transformers: The Last Knight | United International Pictures | P282.5M

6. My Ex and Whys | Star Cinema | P270M

7. Can’t Help Falling in Love | Star Cinema | P234M

8. Spider-Man : Homecoming | Columbia Pictures | P208.4M

9. Logan | 20th Century Fox | P193M

10. The Mummy | United International Pictures | P173M

Finally Found Someone Earns a Whopping P20M for Opening Day

Muli ngang Pinatunayan ng tambalang AshLloyd na isa sila sa pinakamalalakas na Tambalan pagdating sa Box Office matapos na kumita ng tumataginting na P20M ang kanilang ika apat na Pelikulang FINALLY FOUND SOMEONE.

Eto ang balik tambalan nila matapos ang Record Breaking Third Installment ng kanilang Film Series na It Takes a Man and a Woman na kumita naman ng P405M Locally.

Ang Finally Found Someone ay nagtala rin ng Record bilang Biggest (Local Film) Opening Day For July matapos nitong talunin ang She’s Dating the Gangster First Day Gross of P15M.

Isang Patunay na Patuloy pa rin ang pagkinang ng Kinakikiligang tambalan na AshLloyd.

Sugod na sa pinaka malapit na Sinehan dahil Showing na in over 240 Cinemas Nationwide ang bagong Kilig Film ng bayan.

YOHAN HWANG, ALAY ANG UNANG ALBUM PARA SA MGA PINOY, KOREANO

Awiting Pinoy, dadalhin ng “I Love OPM” winner sa Korean market.





May bonggang kontribusyon sa industriya ng musika ang Korean charmer at “I Love OPM” Grand Touristar na si Yohan Hwang sa paglulunsad niya ng unang album mula sa Star Music na puno ng mga Pinoy covers at Korean versions nito at magiging available sa Melon, ang kilalang online music store sa South Korea.

Tatlong awiting OPM ang nakapaloob sa self-titled album ng poging tsinito na itinuring nang tahanan ang Pilipinas mula taong 2014. Personal niyang isinalin sa Korean language ang mga lyrics nito, at isinama ang kanyang mga bagong bersyon sa album na may hangaring magustuhan ito ng mga Pilipino at kapwa Koreano.

Tampok bilang carrier single ng kanyang unang album ang interpretasyon niya ng “Kung Ako Na Lang Sana,” ang makabagbag damdaming awitin na unang kinanta ni Bituin Escalante. “Nayotdamyon” naman ang titulo ng Korean version nito.

Kasama rin sa covers ng 21-anyos na singer ang “Ikaw” ni Yeng Constantino at ang Korean version nito na “Noege,” pati na rin ang “You Made Me Stronger” ni Regine Velasquez at ang pangalawang bersyon nito na may titulong “Annyeong.” Nagsilbing theme song ng Koreanovela na “Love In The Moonlight” na kamakailan ay umere sa ABS-CBN ang awiting “Noege.”

Bukod sa mga nasabing OPM hits, bahagi din ng kanyang pinakahihintay na album ang “Du Sa Rang,” ang Korean version ng isa sa mga pinasikat na awitin ni KZ Tandingan, ang “Mahal Ko o Mahal Ako.”





Maituturing itong milestone sa kasaysayan ng Star Music sa pagdadala nito ng mga awitin sa Melon music portal sa unang pagkakataon para ipakilala ang OPM na isinalin sa Korean language sa South Korean market sa pamamagitan ng mga awitin ni Yohan.

Unang nakilala ang nasabing singer nang siya ay sumali at nagwagi sa orihinal na singing competition ng ABS-CBN, ang “I Love OPM,” at kasama sa kanyang mga natanggap na premyo ang Star Music recording contract.

Si Rox Santos over-all producer ng “Yohan Hwang” album, na magiging available sa susunod na buwan sa melon.com at sa iba pang digital stores worldwide (Apple iTunes, Amazon.com, etc.), sa Spotify, at sa iba’t ibang record stores sa buong bansa.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa album ni Yohan, bisitahin lamang ang starmusic.ph  o sundan ang official social media accounts ng Star Music sa facebook.com/starmusicph, twitter.com/starrecordsph at instagram.com/starmusicph.

PAGBIDA NI AWRA SA “WANSAPANATAYM PRESENTS: AMAZING VING” MAS PINANOOD SA BUONG BANSA

Kuwento ng katapangan at pag-ibig, panalo sa puso ng mga manonood

Tinutukan ng mas maraming manonood sa buong bansa ang pag-uumpisa ng kuwento ng kabayanihan ni Ving (Awra) sa “Wansapanataym Presents: Amazing Ving,” kaya naman nanguna ito sa national TV ratings noong Linggo (July 23).

Naging mainit nga ang pagtanggap ng mga tagasubaybay sa unang pinagbibidahang serye ng breakout child star matapos magkamit ang unang episode nito ng national TV rating na 28.8%, kumpara sa katapat nitong “Daig Ka ng Lola Ko” na nakakuha lamang ng 18.5%, ayon sa datos ng Kantar Media. Naging usap-usapan din ito sa social media matapos umani ng libo-libong tweets ang official hashtag ng palabas na #WansaAmazingVing.

Nakilala na nga ng mga manonood ang batang si Ving at natunghayan ang kanyang kabutihan sa pagpapakita niya ng kagandahang asal at pagtulong sa kapwa. Ngunit agad siyang humarap sa pagsubok nang patayin ni Reptilya (Bianca Manalo) ang kanyang inang si Soffy (Carmi Martin) habang patungo sila sa isang outreach program. Muntik na rin malagay sa panganib ang kanyang buhay pero sa tulong ni Super Bing (Ellen Adarna), naligtas si Ving mula sa kapahamakan.

At ngayong nagkrus na ang landas nina Ving at ni Super Bing, mas nalalapit na ang oras ng kanyang pagiging ganap na tagapagligtas dahil mangyayari na ang matinding labanan sa pagitan nina Super Bing at Reptilya na mag-uudyok sa superhero na ipagkaloob ang mahiwagang bato sa binatilyo.

Ano nga kaya ang mangyayari ngayong wala na sa piling ni Ving ang kanyang ina? Makayanan naman kaya ni Ving na matalo si Reptilya? Ano pa kayang pagsubok ang kanyang haharapin bilang si Super Ving?

Kasama rin sa cast ng serye sina Kisses Delavin, Marco Gallo, AC Bonifacio, at Ria Atayde. Ito ay sa ilalim ng direksyon nina Alan Chanliongco.

Ang “Wansapanataym Presents: Amazing Ving” ay karagdagan sa humahabang listahan ng mga kuwentong puno ng aral na inihahandog ng “Wansapanataym.” Sa halos dalawang dekadang pag-ere nito sa telebisyon, naging daan ang programa upang makapagturo ng mga aral na sumasalamin sa pamilyang Pilipino. Tumatak din ang mga palabas nito na nag-iwan ng marka sa puso at nagbigay ng inspirasyon sa mga manonood.

Huwag palampasin ang kuwento ng katapangan at pag-ibig sa “Wansapanataym Presents: Amazing Ving,” tuwing Linggo (July 23) pagkatapos ng “The Voice Teens” sa ABS-CBN at sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Para sa past episodes ng programa, pumunta lamang sa iWant TV o sa skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers.