YOHAN HWANG, ALAY ANG UNANG ALBUM PARA SA MGA PINOY, KOREANO

Awiting Pinoy, dadalhin ng “I Love OPM” winner sa Korean market.





May bonggang kontribusyon sa industriya ng musika ang Korean charmer at “I Love OPM” Grand Touristar na si Yohan Hwang sa paglulunsad niya ng unang album mula sa Star Music na puno ng mga Pinoy covers at Korean versions nito at magiging available sa Melon, ang kilalang online music store sa South Korea.

Tatlong awiting OPM ang nakapaloob sa self-titled album ng poging tsinito na itinuring nang tahanan ang Pilipinas mula taong 2014. Personal niyang isinalin sa Korean language ang mga lyrics nito, at isinama ang kanyang mga bagong bersyon sa album na may hangaring magustuhan ito ng mga Pilipino at kapwa Koreano.

Tampok bilang carrier single ng kanyang unang album ang interpretasyon niya ng “Kung Ako Na Lang Sana,” ang makabagbag damdaming awitin na unang kinanta ni Bituin Escalante. “Nayotdamyon” naman ang titulo ng Korean version nito.

Kasama rin sa covers ng 21-anyos na singer ang “Ikaw” ni Yeng Constantino at ang Korean version nito na “Noege,” pati na rin ang “You Made Me Stronger” ni Regine Velasquez at ang pangalawang bersyon nito na may titulong “Annyeong.” Nagsilbing theme song ng Koreanovela na “Love In The Moonlight” na kamakailan ay umere sa ABS-CBN ang awiting “Noege.”

Bukod sa mga nasabing OPM hits, bahagi din ng kanyang pinakahihintay na album ang “Du Sa Rang,” ang Korean version ng isa sa mga pinasikat na awitin ni KZ Tandingan, ang “Mahal Ko o Mahal Ako.”





Maituturing itong milestone sa kasaysayan ng Star Music sa pagdadala nito ng mga awitin sa Melon music portal sa unang pagkakataon para ipakilala ang OPM na isinalin sa Korean language sa South Korean market sa pamamagitan ng mga awitin ni Yohan.

Unang nakilala ang nasabing singer nang siya ay sumali at nagwagi sa orihinal na singing competition ng ABS-CBN, ang “I Love OPM,” at kasama sa kanyang mga natanggap na premyo ang Star Music recording contract.

Si Rox Santos over-all producer ng “Yohan Hwang” album, na magiging available sa susunod na buwan sa melon.com at sa iba pang digital stores worldwide (Apple iTunes, Amazon.com, etc.), sa Spotify, at sa iba’t ibang record stores sa buong bansa.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa album ni Yohan, bisitahin lamang ang starmusic.ph  o sundan ang official social media accounts ng Star Music sa facebook.com/starmusicph, twitter.com/starrecordsph at instagram.com/starmusicph.

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s