PAGBIDA NI AWRA SA “WANSAPANATAYM PRESENTS: AMAZING VING” MAS PINANOOD SA BUONG BANSA

Kuwento ng katapangan at pag-ibig, panalo sa puso ng mga manonood

Tinutukan ng mas maraming manonood sa buong bansa ang pag-uumpisa ng kuwento ng kabayanihan ni Ving (Awra) sa “Wansapanataym Presents: Amazing Ving,” kaya naman nanguna ito sa national TV ratings noong Linggo (July 23).

Naging mainit nga ang pagtanggap ng mga tagasubaybay sa unang pinagbibidahang serye ng breakout child star matapos magkamit ang unang episode nito ng national TV rating na 28.8%, kumpara sa katapat nitong “Daig Ka ng Lola Ko” na nakakuha lamang ng 18.5%, ayon sa datos ng Kantar Media. Naging usap-usapan din ito sa social media matapos umani ng libo-libong tweets ang official hashtag ng palabas na #WansaAmazingVing.

Nakilala na nga ng mga manonood ang batang si Ving at natunghayan ang kanyang kabutihan sa pagpapakita niya ng kagandahang asal at pagtulong sa kapwa. Ngunit agad siyang humarap sa pagsubok nang patayin ni Reptilya (Bianca Manalo) ang kanyang inang si Soffy (Carmi Martin) habang patungo sila sa isang outreach program. Muntik na rin malagay sa panganib ang kanyang buhay pero sa tulong ni Super Bing (Ellen Adarna), naligtas si Ving mula sa kapahamakan.

At ngayong nagkrus na ang landas nina Ving at ni Super Bing, mas nalalapit na ang oras ng kanyang pagiging ganap na tagapagligtas dahil mangyayari na ang matinding labanan sa pagitan nina Super Bing at Reptilya na mag-uudyok sa superhero na ipagkaloob ang mahiwagang bato sa binatilyo.

Ano nga kaya ang mangyayari ngayong wala na sa piling ni Ving ang kanyang ina? Makayanan naman kaya ni Ving na matalo si Reptilya? Ano pa kayang pagsubok ang kanyang haharapin bilang si Super Ving?

Kasama rin sa cast ng serye sina Kisses Delavin, Marco Gallo, AC Bonifacio, at Ria Atayde. Ito ay sa ilalim ng direksyon nina Alan Chanliongco.

Ang “Wansapanataym Presents: Amazing Ving” ay karagdagan sa humahabang listahan ng mga kuwentong puno ng aral na inihahandog ng “Wansapanataym.” Sa halos dalawang dekadang pag-ere nito sa telebisyon, naging daan ang programa upang makapagturo ng mga aral na sumasalamin sa pamilyang Pilipino. Tumatak din ang mga palabas nito na nag-iwan ng marka sa puso at nagbigay ng inspirasyon sa mga manonood.

Huwag palampasin ang kuwento ng katapangan at pag-ibig sa “Wansapanataym Presents: Amazing Ving,” tuwing Linggo (July 23) pagkatapos ng “The Voice Teens” sa ABS-CBN at sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Para sa past episodes ng programa, pumunta lamang sa iWant TV o sa skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers.

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s