Ogie Alcasid, ABS-CBN Philharmonic Orchestra, nagsama sa bonggang masterpiece

Pagkatapos ng kanyang pagbabalik sa ABS-CBN nitong nakaraang taon, mayroon na namang malaking pasabog ang OPM icon na si Ogie Alcasid bilang Kapamilya sa kanyang paglulunsad ng unang album mula sa Star Music, ang “Nakakalokal” na isang kakaibang collaboration kasama ang ABS-CBN Philharmonic Orchestra.

Ito ang unang pagsasanib pwersa ng premyadong grupo sa isang solo artist para sa isang album. Kakaibang kombinasyon ang ibibigay ng beteranong singer kasama ang orchestra, sa pangunguna ng music director nito na si Gerard Salonga, para sa mga makikinig at nag-aabang sa pinakabagong mga awiting OPM sa radyo.

“Mas maganda ang tunog ng isang kanta kapag kasama ang orchestra kasi maraming hindi nagagawa ang makina o ang software na nagagawa ng orchestra. Pangarap ko talagang makatrabaho ang ABS-CBN Philharmonic Orchestra at blessing na pumayag sila,” kwento ni Ogie.

Mayroong sampung tracks ang bagong collection ni Ogie, at anim dito ay mga orihinal na komposisyon kasama na ang mga awiting “Nakakalokal,” “Ikaw Ang Tanging Pag-ibig Ko,” “Akala Ko,” “Di Na Muli,” “Di Ka Pababayaan,” at “Do You Wanna Dance With Me.”

Pinaka-excited si Ogie sa “Nakakalokal” single na siyang napiling official theme song ng songwriting competition na Himig Handog Ppop Love Songs ngayong taon.

“Kapag narinig mo siya, maiintindihan mo na ‘ah eto pala ‘yung album ni Ogie.’ Parang binibida niya ‘yung musikang Pinoy,” dagdag nya.

Bukod sa mga bagong awitin, mayroon ding medley si Ogie kasama ang kanyang maybahay, ang OPM icon at Asia’s  Songbird na si Regine Velasquez. Kasama dito ang mga classic hits na “Kailangan Ko’y Ikaw,” “Pangako,” at “Hanggang Ngayon.”

Handog din ng singer-host-actor ang tatlong cover songs sa pinaka-inaabangang album. Kasama dito ang “Kailangan Kita” na theme song ng pelikula mula sa Star Cinema na pinagbibidahan nina Claudine Barretto at Aga Muhlach; “Ikaw Ang Aking Pangarap” mula sa tinangkilik na ABS-CBN teleserye na “Lobo” na pinangunahan nina Angel Locsin at Piolo Pascual; at ang “Ikaw Lamang,” ang theme song naman ng pelikulang “Dubai” ng Star Cinema kasama sina John Lloyd Cruz, Claudine and Aga.

Higit na sa 20 album ang nagawa ng multi-awarded artist na may gold, platinum at double platinum awards. Malaki na ang naging kontribusyon niya sa local music scene sa kanyang mga orihinal na komposisyon, natatanging awitin, at mga nakakatindig balahibong performances.

Ang unang album niya sa Star Music ay prinodyus ni Jonathan Manalo. Ito ay mabibili na sa lahat ng digital stores worldwide. Mabibili rin ito sa lahat ng record bars nationwide sa halagang P350.

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang starmusic.ph o sundan ang official social media accounts ng Star Music sa facebook.com/starmusicph, twitter.com/starrecordsph at instagram.com/starmusicph.

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s