Dick at Carmi duo, nagbabalik; KissMarc, sasabak sa unang TV series



Panibagong superhero ang makikilala at kapupulutan ng aral ng mga manonood simula ngayong Linggo (July 23) sa pagganap ng breakout child star na si Awra bilang si Super Ving, ang tagapagligtas na makapangyarihan at may pusong busilak sa “Wansapanataym Presents: Amazing Ving.”

Isang mabait at mapagmahal na anak si Ving (Awra) na pinagmumulan ng kaligayahan ng kanyang mga magulang na sina Cris at Soffy, na gagampanan ng nagbabalik-telebisyong tambalan nina Roderick Paulate at Carmi Martin. Masaya at kuntento si Ving kasama ang kanyang pamilya habang dala-dala ang kanilang paniniwalang sapat ang busilak na puso para maituring ang isang tao na superhero.


Suportado man ng mga magulang, lagi siyang tumpukan ng tukso ng kanyang mga kaklase sa pangunguna ng trending love team nina Kisses Delavin at Marco Gallo bilang sina Chelsea at Warren.

Sa kabila naman nito, patuloy na nagbibigay saya at nag-aaral nang mabuti si Ving upang maabot ang kanyang mga pangarap.

Simpleng namumuhay si Ving sa piling ng kanyang pamilya at mga kaibigan, ngunit magbabago ang lahat nang makilala niya ang superhero na si Super Bing (Ellen Adarna). Dahil sa kabutihang ipinakita ni Ving, magpapalit anyo siya bilang Super Ving matapos ipagkaloob sa kanya ang isang mahiwagang batong nagbibigay-kapangyarihan upang makapagligtas ng tao. Pero bukod sa pagpapanatili ng kapayapaan, may mas malaking misyon siyang kailangan gampanan bilang Super Ving — ang sugpuin si Reptilya (Bianca Manalo) at ang kasamaan nito.

Hindi magiging madali ang misyon ni Super Ving dahil bukod kay Reptilya, marami pa itong kampon na maghahasik ng lagim sa mga inosenteng tao. Ngunit gamit ang kanyang kapangyarihan, sisikapin ni Ving na ipalaganap ang kabutihan at talunin ang kasamaan.

Ano nga kaya ang mga hamong haharapin ni Super Ving ngayong isa na siyang tagapagligtas? Magtagumpay naman kaya si Reptilya sa kanyang masasamang plano? Sapat nga ba ang pagkakaroon ng busilak na puso upang matalo ang kasamaan?

Mapapanood na ang “Wansapanataym Presents: Amazing Ving” simula ngayong Linggo (July 23). Ito ay sa ilalim ng direksyon ni Alan Chanliongco.


Samantala, ang serye ay karagdagan sa humahabang listahan ng mga kuwentong puno ng aral na inihahandog ng “Wansapanataym.” Sa halos dalawang dekadang pag-ere nito sa telebisyon, naging daan ang programa upang makapagturo ng mga aral na sumasalamin sa pamilyang Pilipino. Tumatak din ang mga palabas nito na nag-iwan ng marka sa puso at nagbigay ng inspirasyon sa mga manonood.

Huwag palampasin ang pag-uumpisa ng kuwento ng katapangan at pag-ibig sa “Wansapanataym Presents: Amazing Ving,” simula ngayong Linggo (July 23) pagkatapos ng “The Voice Teens” sa ABS-CBN at sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Para sa past episodes ng programa, pumunta lamang sa iWant TV o sa skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers.

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s