MGA GURO NG NAMOLESTYANG ESTUDYANTE, MANININDIGAN PARA SA HUSTISYA SA “IPAGLABAN MO”

Ina ang isa sa unang matatakbuhan sa oras ng pangangailangan, pero para sa isang dalagang biktima ng pangmomolestya, ang kanyang mga guro o tinuturing na pangalawang mga ina ang kanyang naging sandigan.

 
Tutukan ang kaso ni Marilyn na biktima ng panggagahasa ng mismong kapatid niya sa ina ngayong Sabado (Hulyo 15) sa pagpapatuloy ng month-long third anniversary specials ng “Ipaglaban Mo.”
 
Kilalang matalino, masunurin, at maligalig ang dalagang si Marilyn (Barbie) sa kanyang pamilya at kaibigan. Kaya malaking palaisipan sa guro ng dalaga na si Delia (Ana Abad Santos) ang tila pagtamlay at pagbagsak ng grado nito.
 
Dahil sa labis na pagkakabahala, sinama niya ang kapwa guro na si Tisha (Tess Antonio) at kinausap nila si Marilyn. Laking gulat nila sa inilahad ng dalaga na matagal na pala itong ginagahasa ng sariling kapatid na si Alvin (Alex Medina).
 
Ano kaya ang gagawin ng mga guro sa nalaman? Paano kapag ang mismong ina na si Fely (Rita Avila) ay hindi naniniwalang posible ang sinasabi ni Marilyn? Matulungan kaya nila ito sa paghahanap ng hustisya?
 
Simula nang i-launch ang “Ipaglaban Mo” noong 2014, nanatili itong wagi sa timeslot nito pagdating sa national TV ratings. Layunin nito na mas mapalawig pa ang kaalaman ng mga Pilipino sa kanilang mga karapatan ayon sa batas at mas mamulat pa sa mga nangyayari sa kanilang kapaligiran.
 
Hindi nagtatapos diyan ang adhikain ng programa dahil bukod sa makabuluhang episodes linggo-linggo sa telebisyon at sa radyo ay nagbibigay din ng libreng legal advice ang hosts na sina Atty. Jose at Jopet Sison tuwing Miyerkules, 10AM to 12NN sa ABS-CBN Lingkod Kapamilya Tulong Center sa ABS-CBN Audience Entrance sa Quezon City.
 
Nakatamo na rin ang programa ng mga parangal mula sa nakaraang PMPC Star Awards for TV kung saan nanalo ito bilang Best Drama Anthology, at Best Public Affairs Program naman noong 2nd Alta Media Icon Awards.
 
Huwag palampasin ang anniversary month ng tatlong taon nang naglilingkod na “Ipaglaban Mo” tuwing Sabado, pagkatapos ng “It’s Showtime” sa ABS-CBN o sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167) na may replay tuwing Miyerkules sa DZMM TeleRadyo at DZMM Radyo Patrol 630.
 
Para sa updates, i-follow ang @IpaglabanmoABSCBN sa Instagram, @IpaglabanMoCh2 sa Twitter, o i-like ang sa Facebook.

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s