“WEIGHTLIFTING FAIRY,” HEBIGAT SA RATINGS AT WORLDWIDE TRENDING SA SOCIAL MEDIA

 
Hebigat din ang naging pagtanggap ng publiko sa kakakumpisa pa lang na Korean drama na may swag at hebigat sa kilig, ang “Weightlifting Fairy.”
 
Base sa datos ng Kantar Media noong Lunes (July 10), pumalo ang pinakabagong primetime Asianovela sa national TV rating na 8.5% kumpara sa kalaban nitong programa na may 5.0% lang.
 
Hindi lang tinutukan sa mga kabahayan, pinag-usapan din ito sa social media dahil trending sa Twitter worldwide ang official hashtag na #WeightliftingFairyonABSCBN.
 
Marami agad ang naaliw sa kwelang personalidad ni Kim Bok Joo at ng kanyang mga kaibigan sa weightlifting team habang ang iba naman ay kinilig sa swimmer na si Jung Joon Hyung.
 
“What a kilig and cute pilot episode. Love love suweeeg couple #WeightliftingFairyOnABSCBN,” sabi ni @sahriexx.
 
“Joon Hyung why sooooooo handsome #WeightliftingFairyOnABSCBN,” pahayag ni @ohhleila08.
 
“Yung puso ko, hindi ko kinaya yung abs ni Joon Hyung! #WeightliftingFairyOnABSCBN,” sabi naman ni @zcngexx.
 
May ilan din na ginamit ang mga tanyag na linya sa serye tulad ng “swag” at “ do you like messi?” Bukod riyan, muli ring napuri ang husay ng pagkaka-dub ng ABS-CBN sa hit rom-com.
 
“In fairness, bagay ang dubbing nina Kim Bok Joo at Joon Hyung. The voices fit their appearance and roles 🙂 #WeightliftingFairyOnABSCBN,” sabi ni @iAmFritzGian.
 
 
Isa ang “Weightlifting Fairy” sa hit seryes sa Korea kaya naman isa ito sa pinakaaabangan ng Pinoy Asianovela fans. Unang pag-anunsyo pa lang ng ABS-CBN head of Integrated Acquisitions and International Distribution na si Leng Raymundo na ipapalabas sa Kapamilya Network ang naturang serye sa ginanap na Pinoy Media Congress ay todo hiyawan na ang audience. Gumawa rin ito ng ingay online matapos ipalabas ng promo plug.
 
Tampok dito ang kwento ng weightlifter na si Kim Bok Joo at swimmer na si Joon Hyung. Di man sila tugma at lagi man sila nagaasaran ay hindi ito naging hadlang para mahulog ang binata sa astiging dalaga. Ngunit, magiging kumplikado ang lahat ng tumibok naman ang puso ni Bok Joo para sa kanyang weight loss doctor na si Jung Jae-Yi na kapatid pala ni Joon Hyung.
 
Saan hahantong ang kanilang love story? Pag fit ba sa friendship ay fit na rin umibig?
 
Huwag palalampasin ang Koreanovelang may swag at hebigat sa kilig, ang “Weightlifting Fairy,” weeknights, pagkatapos ng “A Love to Last” sa first and true home of Asianovelas, ABS-CBN. Para sa updates, i-like ang https://www.facebook.com/abscbnkapamilyanovelas/ sa Facebook o i-follow ang @KapamilyaNovela sa Twitter. Maari ring panoorin ang past episodes ng programa via http://www.iWanTV.com.ph.

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s