Tatlong artists kada team, sasalang na sa live shows

 
Matapos dumaan sa matinding salaan sa kani-kanilang teams, handa nang umawit para sa kanilang mga pangarap at para sa boto ng mga manonood ang top 12 artists ng “The Voice Teens” sa inaabangang live shows ngayong weekend (Hulyo 15 at 16).
 
Ang tatlong top teen artists nina coaches Lea Salonga, Sarah Geronimo, Bamboo, at Sharon Cuneta ang magpe-perform nang live sa kauna-unahang pagkakataon upang pagpilian ng publiko na umabante sa grand finals at hiranging kauna-unahang “The Voice Teens” grand champion.
 
Papatunayan ng mga taga-‘FamiLea’ na mayroon silang ibubuga, sa pangunguna ng soprano na si Mica na nagpabilib na simula sa blind audition niya na ngayon ay nakakuha na ng 9.6 milyong views sa YouTube. Makikipagtunggali naman si Chan sa ngalan ng kanyang kapatid, habang papatunayan ni Patricia na karapat-dapat siya sa steal ni coach Lea.
 
Hindi naman magiging hadlang para kay Jona ng Team Sarah ang kanyang edad bilang isa sa mga pinakabatang lalaban, habang huhugot naman ng lakas si Ivan sa higit sa 100 na singing competitions na kanyang sinalihan upang magwagi. Bilang breadwinner ng kanyang pamilya, susubukan ni Nisha na makaabot sa grand finals upang mabigyan sila ng mas magandang kinabukasan.
 
Mula naman sa Kamp Kawayan ni coach Bamboo, panghahawakan ni Emarjhun ang kanyang boses, personalidad, at pamilya upang magtagumpay. Panlaban din ni Isabela ang kanyang boses para makagawa ng sariling pangalan sa industriya, samantalang kakaibang stage presence naman ang lamang ni Queenie laban sa iba.
 
Manggaling naman kaya sa Team Sharon ang kauna-unahang “The Voice Teens” grand champion? Matira matibay ang salpukan sa pagitan nina Alessandra gamit ang kanyang kakaibang istilo ng pagkanta, Jeremy na kilala sa pagkekwento ng emosyon sa kanyang bawat performance, at Christy na unti-unti nang inaangkin ang kanyang pwesto sa stage.
 
Sa live shows, bubuksan ang botohan para sa bawat team pagkatapos ng lahat ng performances ng tatlong artists, at isasara naman ito pagkatapos ng isang commercial break.
 
Ang artist sa bawat team na makakatanggap ng pinakamataas na percentage ng mga boto ang siyang unang maililigtas, samantalang ang dalawang natitirang artists naman ang pagpipilian ng kanilang coach na iligtas para magpatuloy sa kumpetisyon.
 
Sino ang isasalba ng taongbayan? At sino ang pipiliing manatili ng kani-kanilang coach?
 
Huwag palampasin ang kapana-panabik na bakbakan sa “The Voice Teens,” tuwing Sabado at Linggo sa ABS-CBN at ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Para past episodes ng palabas, mag-login lamang sa iWant TV o sa skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers.
 

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s