MADAMDAMING PAGHAHARAP NINA RAFAEL AT CAMILLE, MAS TINUTUKAN SA BUONG BANSA

Mas pinanood at kinapitan sa buong bansa ang pagbuhos ng mga damdamin ng dating mag-asawang sina Camille (Shaina Magdayao) at Rafael (JC De Vera) sa Kapamilya afternoon serye na “The Better Half,” kaya naman nanguna ito sa national TV ratings at tinalo ang bago nitong katapat na programa noong Lunes (July 10).

 
Nakakuha ang serye ng national TV rating na 14.8%, kumpara sa “Haplos” na nakapagtala lamang ng 12.6%, ayon sa datos ng Kantar Media, matapos kaantigan ng mga manonood ang madamdaming paghaharap nina Camille at Rafael. Naging usap-usap din online ang palabas matapos maging trending topic ang official hashtag ng palabas na #TBHSigawNgPuso na nakakuha ng libo-libong tweets mula sa netizens.
 
Mas maraming pa ngang dapat abangan ang mga manonood dahil mas magiging kumplikado pa ang kanilang mga buhay dahil habang muling ipinapadama nina Camille at Rafael ang kanilang pagmamahal para sa isa’t-isa, susubukan namang ipaglaban ni Marco (Carlo Aquino) ang kanyang pag-ibig upang muling masungkit ang puso ng dating asawa.
 
Bukod naman sa mga plano niyang mabawi si Marco, patuloy naman ang pagtago ni Bianca (Denise Laurel) ng mga ebidensyang siya ang pumatay kay Juancho (Epy Quizon) sa tulong ng kanyang ama.

Tuluyan na nga kayang magkabalikan sina Camille at Rafael? Mapigilan kaya sila ni Marco? Ano pa nga bang kasamaan ang gagawin ni Bianca sa kanilang mga buhay?
 
Patuloy na panoorin ang mga buhay na pinagsama-sama at sinira ng pag-ibig sa “The Better Half,” pagkatapos ng “Pusong Ligaw” sa ABS-CBN at sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Para sa updates, i-follow ang @thebetterhalfTV sa Facebook, Twitter, at Instagram.

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s