DALISAY MULING SASABAK SA BAKBAKAN BILANG PARTE NG SPECIAL ACTION FORCE SA “FPJ’S ANG PROBINSYANO”

Nagbabalik na ang bangis at tapang ni Cardo (Coco Martin) sa muling pagseserbisyo niya bilang miyembro ng Special Action Force (SAF) at ngayong handa na siyang makipagsagupaan sa mga bantang dala ng hukbo ng Pulang Araw sa nangungunang serye sa bansa na “FPJ’s Ang Probinsyano.”

Tuloy-tuloy ang aksyon gabi-gabi ngayong nasasaksihan muli si Cardo na makipagbakbakan matapos ang desisyon niyang bumalik sa kapulisan sa kagustuhang maipaghiganti ang pagkamatay ng anak at iligtas ang mga inosenteng buhay mula sa kamay ng mga rebelde.

At para sa kanyang unang misyon bilang SAF, agad siyang ipinadala sa labanan upang sugpuin ang mga miyembro ng Pulang Araw na nagdadala ng kaguluhan sa bayan ng San Gabriel. Sabay naman dito ang patuloy na pagmamanipula sa kanya sa pagpapakita ng suporta ni Director Hipolito (John Arcilla), ang kasabwat ng rebeldeng grupo na gumawa ng mga krimen at pagmukhaing siya ang umaayos sa mga ito para sa hangarin niyang maging senador.

Samantala, sa pagharap ni Cardo sa panibagong hamon, may mga bagong karakter ding nakilala ang mga manonood kamakailan na pinagmumulan ng aksyon tuwing gabi. Kasama ni Cardo sina SPO2 Gerardo Dela Paz (Ejay Falcon), PO3 Christian Clemente (Dominique Roque), SPO2 Bernardo Quinto (Ron Morales), at PO3 Katrina Velasco (Louise Delos Reyes) na kanyang mga kasama upang malabanan ang mga rebelde at mapanatili ang katahimikan sa bayan.

Ano nga kaya ang mga panganib na haharapin ni Cardo ngayong miyembro na siya ng SAF? Mabigyang hustisya na nga kaya niya ang pagkamatay ng kanyang anak? Malaman na kaya niya kung sino ang tunay niyang kalaban?

Huwag palampasin ang mga maaksyong tagpo sa numero unong primetime teleserye, “FPJ’s Ang Probinsyano,” gabi-gabi sa ABS-CBN o sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Pwede ring mapanood ang past episodes ng palabas sa iWanTV.com o sa skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers.

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s