BANTAY BATA 163, LALABANAN ANG ONLINE SEXUAL ABUSE SA MGA BATA SA IKA-20 TAON

Palalakasin pa ng Bantay Bata 163 ng ABS-CBN Lingkod Kapamilya Foundation, Inc.’s ang pangangalaga at pagprotekta sa mga batang Pilipino sa ika-20 taon nito, kung saan palalawigin pa nito ang serbisyo para labanan ang lumalaganap na sekswal na pangaabuso sa kabataan sa internet.


Ayon si UNICEF, 8 sa 10 batang Pilipino ang nangangambang maabuso online. Samantala, kilala rin ang Pilipinas bilang pinanggagalingan ng child pornography. Kaya naman balak ng Bantay Bata 163, ang takbuhan ng mga Pilipino upang pumrotekta at kunalinga sa mga biktima ng child abuse, na palawakin pa ang presensya nito sa internet, ayusin ang  Children’s Village, at maglunsad ng mga training para maging mas handa ang mga magulang sa pangangalaga sa kanilang mga anak.

Para magawa iyan, nais lumikom ng pondo ng Bantay Bata sa pamamagitan ng isang anniversary dinner na gaganapin sa Agosto 12 sa Philippine International Convention Center, tampok ang kilalang fashion designer na si Rocky Gathercole.

Ipapakita ni Rocky, na nadamitan na ang mga tulad nina Britney Spears, Lady Gaga, Katy Perry at Beyonce, ang kanyang mga likha sa gagawing fashion show sa nasabing event.

Ang Bantay Bata 163’s 20th Anniversary Dinner ay itatanghal ng Metro Society at Lifestyle Channel sa tulong ng Okada Manila, Pass It Forward at Quezon City Government.

Kamakailan lang ay napanood ang buhay ni Rocky sa “MMK,” kung saan ikinuwento ang pang-aabuso na tinamo sa mga magulang na naging dahilan upang tumira siya sa lansangan. Matapos magtrabaho bilang waiter, nakapunta siya sa Middle East para maging apprentice sa isang dress shop. Sa kanyang pagsisikap, nakapunta siya ng Amerika at doon na siya gumawa ng pangalan sa mundo ng fashion.

Dahil sa kanyang dinanas na pang-aabuso, nais din niyang matulungan ang ibang batang Pilipino sa pamamagitan ng Bantay Bata na mahigit dalawang dekada nang lumalaban sa child abuse. Aniya, patunay siyang maaari pa ring magkaroon ng magandang kinabukasan ang mga batang biktima ng pangaabuso. Para sa detalye sa anniversary dinner, tawagan si Freda Agustin sa (02) 4110856 o 090887373.

Ang Bantay Bata 163 ay programa ng ABS-CBN Lingkod Kapamilya Foundation, Inc., na kumakalinga sa mga batang Pilipino. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang https://www.passitforward.com/givenow/on/425/bantay-bata-163-20th-anniversary-425

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s