Sa paghina ng haligi ng tahanan, tuluyan na ba itong guguho?

Isang pamilyang hangad lamang ang isang masayang buhay na magkakasama ang hahamunin nang magkaroon ng malubhang sakit ang mismong haligi ng tahanan nito ngayong Sabado (Hulyo 8) sa “MMK.”

 
Simpleng kwentuhan at pagsasalo-salo sa hapag-kainan lang ay masaya na ang pamilya ni Adelle (Jana Agoncillo). Kaya naman labis na kalungkutan ang kanilang naramdaman nang magkasakit ang tatay nilang si Manuel (Michael de Mesa).
 
Dahil dito, napilitan ang panganay niyang kapatid na si Lan (Louise Abuel) na magtrabaho bilang helper para may mapansustento sa kanilang anim na magkakapatid habang ang ate naman niyang si Angie (Faye Alhambra) ay sumama sa tiyahin para ipagpatuloy ang pag-aaral. Bilang pangatlo sa pamilya, napasa kay Adelle ang pangangalaga sa kanyang mga nakakabatang kapatid katuwang ang kanyang ina na si Rosa (Amy Austria).
 
Masakit man sa kanilang loob, dumating ang panahon na kinailangan na rin nilang iwan ang tatlo nilang nakakabatang kapatid sa kanilang tiyahin habang patuloy na naghahanap ng solusyon sina Rosa, Lan, Angie, at Adelle sa sakit ng ama.
 
Gagaling pa kaya si Manuel? May pagkakataon pa kayang mabuo ang pamilya ni Adelle?
 
Makakasama din sa upcoming episode sina Angeline Quinto, Rayver Cruz, Raine Salamante, Dexie Daulat, Jacob Dionisio, Andrei Garcia, Rolly Inocencio, at Gigi Locsin. Ang episode ay sa ilalim ng direksyon ni Raz de La Torre at panulat ni Benson Logronio. Ang “MMK” ay pinamumunuan ng Star Creatives COO na si Malou N. Santos.
 
Abangan ang longest-running drama anthology sa Asya, ang “MMK” tuwing Sabado ng gabi sa ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, i-follow ang @mmkofficial sa Facebook, Twitter, at Instagram.

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s