Bagong all-time high national TV rating na naman…

 
Excited na ang fans sa pagbabalik ng karakter ni Vin Abrenica na si Jepoy at ang pagpasok ng magpapanggap na Lily Cruz na si Yen Santos sa hit teleseryeng “Wildflower” dahil pagbubukas pa lang ng linggo kung kailan inaasahan silang mapanood ay pumalo na agad ang programa sa panibago nitong all-time high rating.
 
Base sa datos ng Kantar Media noong Lunes (July 3), nakakuha ang “Wildflower” ng national TV rating na 25.8% mula sa pinagsamang urban at rural homes kumpara sa 15.8% ng kalabang programa. Dito napanood ang pagbihag ni Natalie (Roxanne Barcelo) kina Emilia (Aiko Melendez) at Ivy (Maja Salvador) at pagligtas ni Raul (Wendell Ramos) kay Diego (Joseph Marco) sa bingit ng kamatayan.
 
Sa pagkatuklas ni Diego sa pagkatao ng ama bilang si Jaguar, sumapi kaya ito sa kanya? Ano kaya ang susunod na mga kaganapan sa pagbabalik ni Jepoy? Paano mababago ang laro sa paglitaw ng pekeng Ivy Aguas?
 
Gumagamit ang Kantar Media ng 2,610 na kabahayan sa parehong urban at rural areas sa bansa sa pangangalap nito ng datos. Mas marami at eksakto kaysa sa service provider ng ibang networks, ang AGB Nielsen, na mayroong 2,000 na kabahayan na nakabase lamang sa mga urban area. Kinakatawan ng Kantar Media ang 100% ng mga kabahayang may telebisyon sa Pilipinas, habang umano’y 57% lamang ang kinakatawan ng AGB Nielsen dahil hindi kasama ang rural areas sa datos nito.
 
Huwag palalampasin ang “Wildflower,” Lunes hanggang Biyernes bago mag-“TV Patrol” sa ABS-CBN o sa ABS-CBN HD (Skycable ch 167). Para sa updates, i-follow ang @wildflowerabscbn sa Instagram, @RSBDramaUnitNew sa Twitter at i-like ang official Facebook page ng programa sa https://www.facebook.com/wildflowerchannel2/.
 
Panoorin ang past episodes ng palabas sa iWant TV o sa skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers.

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s