FPJ’s Ang Probinsyano” at “La Luna Sangre” nanguna sa listahan…

Nanatili ang mainit na suporta ng mga manonood para sa mga palabas ng ABS-CBN matapos mas tutukan noong Hunyo ang makabuluhan nitong paghahatid ng balita at mga programang nitong nagbibigay-inspirasyon at aral sa pamilyang Pilipino.
 
Ayon sa datos ng Kantar Media, sampu sa mga pinakatutukang regular na umeereng palabas sa bansa ay mula sa ABS-CBN, kaya naman nagkamit ang Kapamilya network ng average national audience share na 46% sa pinagsamang urban at rural homes, kumpara sa GMA na nakakuha lamang ng 34%.
 
Nanguna pa rin ang pinagbibidahang serye ni Coco Martin na “FPJ’s Ang Probinsyano” matapos nitong makakuha ng average national TV rating na 35.5%. Patuloy ngang tinututukan ang buhay ni Cardo (Coco) sa pagbubukas ng panibagong yugto nito na mamarkahan ang paghahanap niya ng hustisya para sa pagkamatay ng kanyang anak na si Ricky Boy.
 
Pumangalawa naman sa listahan ang agad na kinapitang pinakabagong serye ng ABS-CBN na “La Luna Sangre,” na nagtala ng average national TV rating na 34.1% sa unang dalawang linggo nito. Bukod sa pagbabalik-telebisyon ng mga bidang sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, tinutukan din ang mga batang gumanap sa serye, ang pagganap ni Richard Gutierrez bilang kontrabida, at ang special participation nina Angel Locsin at John Lloyd Cruz.
 
Lubos namang sinubaybayan at pinag-usapan ang battle rounds ng “The Voice Teens” sa pagtala nito ng 33.9%. Napukaw naman ng mga kuwento ng inspirasyon ng letter senders ng “MMK” ang mga manonood matapos nitong magkamit ng 33.3%.
 
Nanatili namang pinakapinanood na news program sa bansa ang “TV Patrol” na may average national TV rating na 30.3%, higit na mataas kumpara sa katapat nitong “24 Oras” (20.2%).
 
Napuno naman ng aral at pag-ibig ang bawat Linggo ng gabi ng mga kabataan sa “Wansapanataym,” na nakakuha ng 29.5%. Sumunod naman dito ang “My Dear Heart” (27.5%), na nagpakita ng sakripisyo at walang katumbas na pagmamahal sa pagtatapos nito.
 
Patuloy namang pinag-uusapan ng viewers at ng netizens ang mga palabang eksena sa “Wildflower” na nakakuha ng 23.1%.
 
Kasama rin sa top ten ang sitcom nina John Lloyd Cruz at Toni Gonzaga na “Home Sweetie Home” (21%) na ipinapamalas ang katatagan ng pamilya sa hirap at ginhawa, ang kiddie gag show na “Goin’ Bulilit” (20.5%), at ang current affairs program na pinangungunahan ni Korina Sanchez na “Rated K” (20.5%).
 
Naghari sa lahat ng time blocks noong Hunyo ang ABS-CBN, partikular na sa primetime (6PM-12MN) kung saan nagakamit ito ng 50% average audience share, at tinalo ang GMA na mayroon lamang 32%. Ang primetime block ang pinakaimportanteng parte ng araw kung kailan karamihan sa mga Pilipino ay nanonood ng telebisyon at inilalagay ng advertisers ang malaking parte ng kanilang investment upang makaabot sa mas maraming consumers.
 
Nanguna rin sa iba pang time blocks noong Hunyo ang Kapamilya network gaya na lang sa morning block (6AM-12NN), sa pagtala nito ng average audience share na 43% laban sa 31% ng GMA; sa noontime block (12NN-3PM) kung saan nagkamit ito ng 43% kumpara sa 39% ng GMA; at afternoon block (3PM-6PM) sa pagrehistro nito ng 44% at tinalo ang GMA na may 38% lamang.
 
Napanatili rin ng ABS-CBN ang pangunguna nito sa iba pang lugar sa bansa gaya ng Total Balance Luzon sa pagtala nito ng average audience share na 47% kumpara sa 37% ng GMA, sa Total Luzon sa pagkamit nito ng 42% laban sa 37% ng GMA, sa Total Visayas kung saan nagtala ito ng 55% laban sa 28% ng GMA, at Total Mindanao kung saan nakakuha ito 55% kumpara sa 29% ng GMA.

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s