Darna fever, umiinit na

Mainit na tinanggap ng publiko si Liza Soberano bilang pinakabagong Darna sa ginanap na ToyCon 2017 noong weekend sa SMX Convention Center kung saan pormal na inilunsad din ng ABS-CBN ang Ravelo Komiks Superheroes merchandise.

 
Todo hiyawan ang lahat nang tinawag si Liza sa entabado kahilera ang ilang international stars para sa ribbon -cutting ceremony. Dito pinasalamatan ng aktres ang Pinoy comic book fans sa patuloy na pagtangkilik sa industriya ng komiks.
 


“Masaya ako na makasama ang mga taong nagpapanatiling buhay sa industriya ng komiks lalo pa’t dito naman talaga nagsimula si Darna,” sabi ni Liza.
 


Hanggang pagbisita niya sa Ravelo Komiks Superheroes booth ng ABS-CBN, kung saan mabibili ang ekslusibong Darna, Captain Barbell, at Lastikman merchandise at licensed statues at naka-exhibit din ang ilang memorabilia ni Mars Ravelo, ay dumog pa rin ang fans masulyapan lang ang pinakabagong Darna. Isa sa mainit na sumalubong sa kanya rito ay ang mismong pamilya Ravelo na nakaharap niya sa unang pagkakataon.
 


“Napakabait nila at winelcome nila ako sa mundo ni Mars Ravelo. Masaya ako na nakilala ko sila and sana I can make them proud,” pahayag ni Liza.
 


Bilang regalo ay ibinigay ng pamilya Ravelo kay Liza ang unang apat na panels ng pinakaunang issue ng Darna komiks na may dedikasyon na, “Marami-rami na ring kamay ang dinaanan ng mahiwagang bato… At sa tagal ng paghahanap, ikaw ang mapalad na napili para magpatuloy ng galing at tapang ni Darna. Maraming salamat sa pagtanggap!”
 


Sumabak din si Liza sa meet-and-greet kung saan game na game na nagpapicture ang aktres kasama ang fans.
 
Isa rin sa highlight ng ginanap na ToyCon ang paggawad kay Mars Ravelo ng Pinoy Pop Culture Icon. 
 
Nang tanungin kung ano ang tumatakbo sa kanyang isipan sa pagganap bilang Darna, inamin ni Liza na bagaman bago ang lahat sa kanya ay excited siya na simulan na ang proyekto.
 
“Excited ako na ninenerbyos kasi first time ko gumawa ng ganito. Madalas romance at comedy films ang ginagawa ko kaya ibang iba talaga sa akin ang paggawa ng action film. Excited na akong simulan ito at excited din ako na mapanood ito ng lahat,” paliwanag ni Liza.
 
Abangan ang paglipad ni Liza bilang pinakabagong Darna sa pelikulang ididirehe ni Erik Matti sa ilalim ng produksyon ng Star Cinema.
 

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s