DENISE IPINASOK NA SA THERAPY HOME SA “THE BETTER HALF”


 
Tuloy-tuloy na ngang nasisiraan ng bait si Bianca (Denise Laurel) at ipinasok na sa isang therapy home matapos ang pagkamatay ng kanyang anak, ngunit hindi naman ito magiging dahilan upang mapigilan ang kanyang mga planong bawiin si Marco (Carlo Aquino) at sirain ang buhay ni Camille (Shaina Magdayao) sa Kapamilya afternoon series na “The Better Half.”
 
Patuloy nang lumalala ang kundisyon ni Bianca dahil mas dumadalas na ang pagpapakita sa kanya bilang guni-guni ng mga taong kanyang pinatay na sina Sheryl (Regine Angeles) at Juancho (Epy Quizon), na lalong nagpapagulo sa kanyang utak. Ngunit patutunayan naman niyang hindi siya baliw at susubukang makatakas mula sa therapy home upang matupad ang kanyang mga masasamang plano.
 
Ngunit habang lumalala ang kundisyon ni Bianca, muli namang nagkakalapit sina Marco at Camille. Magkasama nilang kinakalimutan ang kanilang mga nakaraan sa hindi inaasahang pagkikita nila sa Dumaguete upang maipagpatuloy ang kanilang mga buhay bilang magkaibigan.
 
At sa pagpasok ng panibagong yugto ng serye ay nakilala ng mga manonood si Ashley (Emmanuelle Vera), ang ex-girlfriend ni Rafael (JC De Vera) na bumalik mula Amerika. At sa kanyang pagbabalik, masusubukan ang pagmamahal ni Rafael para sa asawa at malalaman kung handa na ba niyan iwan ito.


 
Ano pa nga kayang panganib ang dala ni Bianca? Patuloy na nga kayang makalimutan nina Marco at Camille ang kanilang nakaraan or manunumbalik nga ba ang nararamdaman nila para sa isa’t-isa? Ano naman kayang pagbabago ang dala ni Ashley ngayong nagbabalik sa siya sa buhay ni Rafael?
 
Samantala, sa naganap na set visit ng palabas kamakailan, lubos ang naging pasasalamat ng cast para sa walang sawang suporta ng mga manonood sa serye.


 
“Nagpapasalamat po kami kasi kung hindi dahil sa suporta ng viewers, hindi kami magkakaroon ng book two. Nakakawala ng pagod ang pagmamahal nila,” sabi ni Shaina.
 
Dagdag naman ni JC, “Mas marami pang dapat abangan ngayong nasa moving forward stage na ‘yung characters. Kahit kami hindi namin alam kung ano patutunguhan ng kuwento kaya nakaka-excite.”
 
Patuloy na panoorin ang mga buhay na pinagsama-sama at sinira ng pag-ibig sa “The Better Half,” pagkatapos ng “Pusong Ligaw” sa ABS-CBN at sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Para sa updates, i-follow ang @thebetterhalfTV sa Facebook, Twitter, at Instagram.


 

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s