ALEX CALLEJA, BIBIDA SA SARILING COMEDY SHOW SA CINEMO

Kakaibang katatawanan ang handog ni Alex Calleja, isa sa finalist sa prestihiyosong Funniest Person in the World 2016 competition ng Laugh Factory, sa kaniyang bagong palabas na “Lakas Tawa” sa CineMo ng ABS-CBN TVplus, kung saan dadalhin niya ang mundo ng stand-up comedy.

Originality ang dapat na abangan sa naturang palabas dahil ito ang pinapahagalagahan niya bilang isang komedyante. “Kailangan mong maging original. Magsulat ka ng sarili mong joke, gumawa ka ng sarili mong persona, identity. Magsulat ka tungkol sa mga bagay na alam mo,” tip ni Alex para sa mga nangangarap na maging komedyante.


 Kahit na patok ang pagpapatawa niya bilang isang writer sa “It’s Showtime,” iba pa rin daw ang kaba at pressure na bumida sa sarili niyang show. “Andoon ‘yung pressure kasi ako rin ang nagsusulat para sa show. Pero masaya naman. Iba ang feeling na magsulat para sa sitcom kasi ibang tao ang nagde-deliver ng mga linya. Dito, ako mismo ang nagbibitaw ng jokes,” aniya. 

Sa “Lakas Tawa,” pagtatagpiiin ni Alex ang kanyang jokes para bumuo ng iisang kuwento o monologue. Maliban sa jokes, magbabahagi rin siya ng kaalaman sa “Aleksyon of the Day” na isa sa segments ng programa. 

Ito na nga ang isa sa biggest breaks ni Alex sa sampung taon niya sa mundo ng komedya matapos niyang iwan ang dating career sa IT at programming. Pinili niyang sundan ang kanyang pangarap na makapagpatawa ng mga tao at naging writer sa Kapamilya shows tulad ng “It’s Showtime,” “Goin’ Bulilit,” at ang Sunday sitcom ng CineMo, ang “Funny Ka, Pare Ko.”

Unti-unti rin siyang nakagawa ng sariling pangalan sa stand-up comedy scene sa bansa kasama ang kaniyang grupong Comedy Manila. Mangilang beses na rin siyang sumali sa mga comedy competition sa loob at labas ng bansa, kabilang na ang stand-up comedy contest ng DZMM Teleradyo noong 2008, ang “LOL: Laugh Out Loud” at ang “Funniest Person in the World” competition ng Laugh Factory sa ginanap sa Finland noong nakaraang taon.

 

Dagdag pa ni Alex, mataas ang pangarap niya para sa stand-up comedy sa bansa at ikinatutuwa ang pag-usbong nito sa mainstream media.
 Panoorin ang “Lakas Tawa” tatlong beses sa isang araw sa CineMo ng 10:55 AM, 4:55 PM, at 10:55 PM, Lunes hanggang Sabado.

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s