MAJA SA PAGSABAK SA ACTION: “BRING IT ON!”


Maja Salvador, nakipagbakbakan ng naka-heels!

Trending at umani ng papuri ang ginawang action scenes ni Maja Salvador noong Lunes (June 12) sa matensyong episode ng hit primetime serye na “Wildflower.”


Inamin ng aktres na hindi naging madali ang naturang eksena kahit na may karanasan na siya sa aksyon sa iba niyang naging proyekto.


“May action scenes naman na ako na nagawa before pero mas matindi lang ang fight routines na pinagawa sa ‘kin dito sa ‘Wildflower’ tapos naka-heels pa,” paglalahad ni Maja.


“Pero okay lang kasi if you really love your character tapos you’re giving 100% para mapaganda ang show, magagawa at magagawa mo kahit gaano pa kahirap,” dagdag niya.


Malaki rin ang pasasalamat ni Maja sa kanyang fight instructor na inalalayan siya nang mabuti habang ginagawa ang eksena. 


“Salamat din pala sa suot kong heels kasi matibay siya!” pabirong sabi ni Maja.


Nang tanungin kung bukas siyang malinya sa mga action project, sagot ng “Wildflower” star, “Kung iyon ang mabibigay sa akin na project, why not? Game! Sabi nga ni Ivy Aguas, ‘bring it on!’ Gusto ko ‘yung mga project na may challenge sa akin. Dahil mas nae-explore ko pa kung ano pang kaya kong mabigay.”


Mas lalo pa ngang umiinit ang mga tagpo sa “Wildflower” lalo pa’t mas matindi na ang banggaan sa pagitan nina Ivy at Emilia (Aiko Melendez). Ano pa ang mga kayang gawin ni Emilia para mapabagsak lang si Ivy?


Pakatutukan ang “Wildflower,” Lunes hanggang Biyernes bago ang “TV Patrol” sa ABS-CBN o sa ABS-CBN HD (Skycable ch 167). Para sa updates, i-follow ang @wildflowerabscbn sa Instagram, @RSBDramaUnitNew sa Twitter at i-like ang official Facebook page ng programa sa https://www.facebook.com/wildflowerchannel2/.


Panoorin ang past episodes ng palabas sa iWant TV o sa skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers.

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s