MITOY, MAKAKASAMA NA SA IT’S SHOWTIME AT SA ISANG SITCOM

2gvm

Si Mitoy Yonting ay ang kauna-unahang grand-winner ng The Voice Of The Philippines na kabilang sa team ng The Voice coach na si Lea Salonga.

Matapos magwagi sa nasabing contest, sunod-sunod ang magiging proyekto ni Mitoy. Nakatakdang gumawa ng album ang nasabing singer. Kumpirmadong makakasama na rin siya sa variety show na It’s Showtime. Mapapanood rin siya sa isang sitcom ng kapamilya network.

 

TODA MAX, MAMAMAALAM NA MATAPOS ANG 2 TAONG PAMAMAYAGPAG

090513-toda_mainphoto

Ayon sa isang artikulong isunulat ng balita.net.ph, mamaaalam na ngayong Nobyembre ang sitcom na Toda Max.

Nagsimulang umere ang Toda Max noong November 5, 2011 kasama ang orihinal na casts nitong sila Robin Padilla, Pokwang at Vhong Navarro. Iba’t-ibang awards na ang natanggap ng nasabing sitcom at top rater din ito tuwing Sabado.

url

Bagamat mataas ang ratings nito at maganda ang pasok ng advertisements, pursigido ang ABS-CBN na mas pagandahin pa ang line-up ng mga programa ng kapamilya network tuwing weekends. Sa November 5 na ang last taping ng nasabing sitcom. ”Maugong ang balitang “Home Sweetie Home” ang papalit sa time-slot na nakatakdang iwanan ng Toda Max.

safe_image.php

TRENDING ANG FINALE NG WISH UPON A STAR! CRAZY LOVE, INAABANGAN NA!

Pick_The_Stars_20 1633Inabangan at tinutukan ng buong bayan ang happy ending ng love story nila Ruby at Atty. Kevin. Matapos ang mga pagsubok na dumaan sa kanilang buhay, nabuo na ang kanilang one big family kasama ang mga kapatid ni Ruby at ang bagong miyembro na si Violet. At last, natupad na ang kanilang wish upon a star. Naging trending topic din sa Twitter ang Koreanovela, nationwide.

Picture3

Samantala, isang bawal na pagmamahalan ang bubuuin  nila Michelle at Rupert sa pinakabagong Koreanovelang handog ng First And True Home Of Asianovelas. Makakamit kaya nila ang inaasam nilang kalayaan para ipagpatuloy ang kanilang ugnayan? Abangan ngayong Lunes ang pagsisimula ng Crazy Love, 10:15 am sa Umaganda.

Picture27

ABS-CBN, NTC at iba pang TV networks nagkaisa na para sa DTV

abscbnhd11

Matatandaang 2011 pa lamang ay matagal ng napili ng NTC ang Isdb-t standard ngunit tinutulan ito ng GMA7 na sa kabilang banda ay sinang-ayunan naman ng ABS-CBN2,TV5 atbp.

Mahigit sa 5 taon ng pinagaaralan ng Abs-Cbn ang DTV at 2011 pa lamang ay handang-handa na sila,2010 naman ng paghandaan ito ng TV5 at nitong nakaraang taon lamang naman nagsimula ang GMA7.
Nitong Martes nga ay nagkaisa na ang lahat na ang Japanese Isdb-t Standard ang syang gagamitin para sa ating Digital Television Broadcast,at ngayong Disyembre ay bibisita si PNoy sa Japan hingil sa DTV.

Ang Abs-Cbn DTV Broadcast ay magkakaroon ng 7 TV Channels (Abs-Cbn,Studio23,Cine Mo,Yey TV,Knowledge Channel,Dzmm Teleradyo at Myx2) na syang magiging available sa oras na makabitanang ating telebisyon ng DigiBox na nagkakahalaga ng P2,500 na wala ng monthly fee na babayaran.

Magsisimula ang Abs-Cbn DTV sa Metro Manila na susundan sa mga Key Cities tulad ng Metro Cebu,Metro Davao etc.
At taong 2015 ay nakatakdang mag shut off ang Analog TV at magshi-shift officially and completely into Digital TV Broadcast.