IIWAN MO BA ANG DREAM HOUSE MO DAHIL SA MULTO?

MMK-airs-horror-episode-this-Saturday.jpg

Nakahihilakbot na kwento tungkol sa isang pamilyang nakatira sa haunted house ang tampok ngayong Sabado (Nobyembre 2) sa “Maalaala Mo Kaya” ng ABS-CBN.

Sa Halloween episode ng “MMK,” ibabahagi ang mga sakripisyong ginawa ni Minda (gagampanan ni Irma Adlawan) upang mapanatiling buo ang kanilang pamilyang unti-unting winawasak ng kanyang mapanakit na asawang si Paeng (gagampanan ni Bembol Roco).

MMK-airs-horror-episode-this-Saturday_3

Kaya nang dumating ang swerte, agad na bumili si Minda ng isang bagong bahay sa pag-asang ito ang magiging susi upang muling mapaglapit ang kanyang mag-aama. Ngunit, mas kagimbal-gimbal ang naganap sa pamilya nila dahil bukod sa takot na dulot ng masamang ugali ni Paeng, dadagdag sa gulo ang mga multong naninirahan sa kanilang dream house.

Paano kung ang pinapangarap mong bahay na mag-uugnay sa inyong pamilya ay mistulang bangungot na lalong sisira sa samahan ng lahat?

Ina-Feleo.jpg

Tampok sa Halloween episode ng “MMK” sina Irma, Bembol, Ina Feleo, Alex Castro, Mico Aytona, Pierro Vergara at Yanna Asistio. Ito ay sa ilalim ng direksyon ni Garry Fernando, panulat nina Benjamin Benson Logronio at Arah Jell Badayos, at pananaliksik ni Agatha Ruadap.

MMK-airs-horror-episode-this-Saturday_2

Huwag palampasin ang “MMK” tuwing Sabado ng gabi pagkatapos ng “Wansapanataym” sa ABS-CBN. Para sa iba pang updates, mag log on sa MMK.abs-cbn.com, sundan ang @MMKOfficial sa Twitter, at i-“like” ang Facebook.com/MMKOfficial.

source: http://networkedblogs.com/QyRwR

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s