SIMULA NA NG MATITINDING MGA KAGANAPAN SA HULING 3 LINGGO NG THE LOVE STORY OF KANG CHI

Kaabang-abang ang mga kaganapan simula ngayong Lunes sa nangungunang Koreanovela ng bansa, ang The Love Story of Kang Chi.

guga20-00595

Tanging si Kang Chi lamang ang may kakayahang paslangin ang amang si Wol Ryung. Matinding pagsasanay ang ihahanda ni Dam Pyeong-Joon kay Kang Chi. Abangan kung mapagtatagumpayan ba ni Kang Chi ang mga kakaharaping pagsasanay at kakayanin ba niyang makipaglaban sa sariling amang, si Wol Ryung.

Malalaman na ni Kang Chi na muling nagbalik ang kanyang inang si Seo Hwa. Sa kabila ng pag-iwan ng ina sa kanya, pagmamahal at pagpapatawad ba ang mamayani o galit ang mararamdaman ni Kang Chi sa ina?

guga19-00397

Matapos ang mahabang panahon, magaganap na ang muling paghaharap ni Seo Hwa at Wol Ryung, Matatandaang si Seo Hwa ang naging dahilan ng mga sinapit ni Wol Ryung. Pagmamahalan kaya ang mamamagitan sa dalawa o poot ang kanilang mararamdaman?

guga20-00901

Huwag palalampasin ang Huling tatlong Linggo ng The Love Story of Kang Chi, Lunes hanggang Biyernes, 5:15 PM sa Kapamilya Gold.

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s