IIWAN MO BA ANG DREAM HOUSE MO DAHIL SA MULTO?

MMK-airs-horror-episode-this-Saturday.jpg

Nakahihilakbot na kwento tungkol sa isang pamilyang nakatira sa haunted house ang tampok ngayong Sabado (Nobyembre 2) sa “Maalaala Mo Kaya” ng ABS-CBN.

Sa Halloween episode ng “MMK,” ibabahagi ang mga sakripisyong ginawa ni Minda (gagampanan ni Irma Adlawan) upang mapanatiling buo ang kanilang pamilyang unti-unting winawasak ng kanyang mapanakit na asawang si Paeng (gagampanan ni Bembol Roco).

MMK-airs-horror-episode-this-Saturday_3

Kaya nang dumating ang swerte, agad na bumili si Minda ng isang bagong bahay sa pag-asang ito ang magiging susi upang muling mapaglapit ang kanyang mag-aama. Ngunit, mas kagimbal-gimbal ang naganap sa pamilya nila dahil bukod sa takot na dulot ng masamang ugali ni Paeng, dadagdag sa gulo ang mga multong naninirahan sa kanilang dream house.

Paano kung ang pinapangarap mong bahay na mag-uugnay sa inyong pamilya ay mistulang bangungot na lalong sisira sa samahan ng lahat?

Ina-Feleo.jpg

Tampok sa Halloween episode ng “MMK” sina Irma, Bembol, Ina Feleo, Alex Castro, Mico Aytona, Pierro Vergara at Yanna Asistio. Ito ay sa ilalim ng direksyon ni Garry Fernando, panulat nina Benjamin Benson Logronio at Arah Jell Badayos, at pananaliksik ni Agatha Ruadap.

MMK-airs-horror-episode-this-Saturday_2

Huwag palampasin ang “MMK” tuwing Sabado ng gabi pagkatapos ng “Wansapanataym” sa ABS-CBN. Para sa iba pang updates, mag log on sa MMK.abs-cbn.com, sundan ang @MMKOfficial sa Twitter, at i-“like” ang Facebook.com/MMKOfficial.

source: http://networkedblogs.com/QyRwR

Advertisements

HONESTO, PATOK NA PATOK KAAGAD SA MGA MANONOOD!

603137_599814883412114_1645450336_n

Nagsimula na kagabi ang pinakahihintay na teleserye ng bansa ang Honesto.Umpisa pa lamang ay nakapagtala na ito ng 30.5% national rating ayon sa datos na inilabas ng Kantar Media/TNS, laban sa 10.5% ng katapat na programa. Naging trending topic din ito sa social networking site na Twitter.

BXqexMxCUAErc6K.jpg large

Kagabi’y nagkakilala na sila DIego at Fina. Mag-uumpisa ang lahat sa panloloko ni Diego hanggang sa tuluyan ng mahulog ang binata sa dalaga.  Mula sa pagpapanggap, mauuwi sa totohanan ang nararamdaman ni Diego. Paano paghihiwalayin at pagtatagpuin ng katotohanan ang mga pamilya at pusong nasaktan dahil sa kasinungalingan? Mabubura ba ng kabutihan at busilak na kalooban ang lahat ng kasakiman sa mundo? Tumutok gabi-gabi sa Honesto, Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng TV Patrol.

Photo (c): https://www.facebook.com/Honesto.TV, Eric Salut Twitter Account

“ISANG TV HOST NA 15 TAONG ITINAGO ANG ANAK” IBUBULGAR SA BUZZ NG BAYAN

Mas mainit at mas matindi ang showbiz talakayan ngayong Linggo kasama sila Boy Abunda, Carmina Villaroel at Janice De Belen sa “Buzz Ng Bayan”.

BXgl1EfCUAEDsa5.jpg large

Tuloy pa rin ang birada sa mga maiinit na Showbiz balita ng buong linggo. Tatalakayin din ang kontrobersyal na love story ni Freddie Aguilar at ng 16-na-taong-gulang na girlfriend. At isang pasabog na balita ang gigimbal sa sambayanan: Makikilala na ang isang TV host na itanago ang kanyang anak sa loob ng labinlimang taon.

Huwag palalampasin ang Buzz Ng Bayan ngayong Linggo, October 27, 4:00 PM.

SIMULA NA NG MATITINDING MGA KAGANAPAN SA HULING 3 LINGGO NG THE LOVE STORY OF KANG CHI

Kaabang-abang ang mga kaganapan simula ngayong Lunes sa nangungunang Koreanovela ng bansa, ang The Love Story of Kang Chi.

guga20-00595

Tanging si Kang Chi lamang ang may kakayahang paslangin ang amang si Wol Ryung. Matinding pagsasanay ang ihahanda ni Dam Pyeong-Joon kay Kang Chi. Abangan kung mapagtatagumpayan ba ni Kang Chi ang mga kakaharaping pagsasanay at kakayanin ba niyang makipaglaban sa sariling amang, si Wol Ryung.

Malalaman na ni Kang Chi na muling nagbalik ang kanyang inang si Seo Hwa. Sa kabila ng pag-iwan ng ina sa kanya, pagmamahal at pagpapatawad ba ang mamayani o galit ang mararamdaman ni Kang Chi sa ina?

guga19-00397

Matapos ang mahabang panahon, magaganap na ang muling paghaharap ni Seo Hwa at Wol Ryung, Matatandaang si Seo Hwa ang naging dahilan ng mga sinapit ni Wol Ryung. Pagmamahalan kaya ang mamamagitan sa dalawa o poot ang kanilang mararamdaman?

guga20-00901

Huwag palalampasin ang Huling tatlong Linggo ng The Love Story of Kang Chi, Lunes hanggang Biyernes, 5:15 PM sa Kapamilya Gold.

GAME SHOW NA “FAMILY FEUD”, KAPAMILYA NA!

Familyfeud

Ang Game Show na pampamilya, Kapamilya na!. Dalawang seasons ng Family Feud ang nakatakdang iere ng ABS-CBN. Ang Family Feud ay isang game show na kung saan dalawang pamilya o grupo ang maglalaban. “Survey” ang pagbabasehan ng laro para makapuntos.

Isa sa dapat abangan ay kung sino ang magiging host ng nasabing game show. Matatandaang unang umere ang nasabing game show sa Pilipinas sa pamamagitan ng ABC-5 (hosted by Ogie Alcasid), ngunit hindi ito masyado pumatok kaya naman bibigyaan daan ng ABS-CBN para makilala sa bansa ang nasabing game show.

NATIONAL TV RATINGS (Urban + Rural): October 24, 2013

 

1024

24 October 2013 Comparative  Total Philippines (Urban+ Rural)
Ratings Data: ABS-CBN vs. GMA7 and TV5   
Source: Kantar Media / TNS
Kape’t Pandasal (0.6%) / TNT Tapatan Ni Tunying (Replay) (0.9%) vs. Born To Be Wild (Replay) (1.5%)
Umagang Kay Ganda (4.2%) vs. Unang Hirit (4.1%)
Kris Tv (4.9%) vs. Dragon Ball (6.6%) / Mojacko! (7.6%)
Power Rangers RPM (6.0%) vs. One Piece (8.7%)
Jackie Chan Fantasia (6.3%) vs. Bleach (6.9%) / Ghost Fighter (7.2%)
Mr. Bean (7.5%) vs. Kusina Master Sikreto Ng Experto (5.7%)
Wish Upon A Star (10.0%) vs. Lola (5.6%)
Minute To Win It (12.8%) vs. Anak Ko ‘Yan! (7.0%)
Be Careful With My Heart (19.6%) vs. The Ryzza Mae Show (10.1%)
It’s Showtime (18.5%) vs. Eat… Bulaga! (12.8%)
Kapamilya Blockbusters Da Best In Da West 2 Da Western Pulis Istori’ (13.4%) vs. Mga Basang Sisiw (12.8%) / Magkano Ba Ang Pag-Ibig? (10.3%)
Galema Anak Ni Zuma (15.1%) vs. Pyra Babaeng Apoy (8.7%)
TNT Tapatan Ni Tunying (7.7%) / The Love Story of Kang Chi (12.3%) vs. My Daughter Seoyoung (8.3%)
Annaliza (24.7%) vs. Prinsesa Ng Buhay Ko (12.9%)
TV Patrol (28.7%) vs. 24 Oras (17.9%) vs. Lets Ask Pilipinas (3.6%) / Madam Chairman (3.5%)
Juan Dela Cruz (34.7%) vs. Genesis (14.3%) vs. For Love or Money (2.7%)
Got To Believe (29.9%) vs. Kahit Nasaan Ka Man (13.1%) vs. Positive (3.2%)
Maria Mercedes (21.0%) vs. Akin Pa Rin Ang Bukas (11.0%) vs. History With Lourd Tsismis Noon Kasaysayan Ngayon (1.7%)
Bukas Na Lang Kita Mamahalin (13.5%) vs. The Innocent Man (7.1%) vs. Pilipinas News (1.0%)
Bandila (4.6%) vs. Saksi Liga Ng Katotohanan (4.2%) vs. Reaksyon Kasama Si Luchi Cruz-Valdes (0.8%) / Crime Klasik (0.7%)
Banana Nite (1.9%) / O Shopping (0.6%) vs. Alisto! (2.4%)

source: http://abscbnpr.com/national-tv-ratings-urban-rural-october-24-2013/

KILIG AT TENSYON ANG MARARAMDAMAN SA HULING LINGGO NG WISH UPON A STAR

Picture6

Simula ngayong Lunes, damang-dama ang tensyon at kilig sa  huling linggo ng nangungunang Koreanovela tuwing umaga, ang Wish Upon A Star.

Nasa panganib ang buhay ni Baby Indigo. Nang dahil sa “Biliary atresia.”, kailangan niyang sumailalim sa isang operasyon. Magiging matagumpay kaya ito o tuluyan ng mawawala si Indigo?

Picture4

Matatapos na ang pagkakatali ni Kevin kay Judith. Magiging malaya na rin siyang iparamdam ang pagmamahal kay Ruby. Ngunit sa pagkatuklas ng katotohanan na si Ruby ang nawawalang apo ni Chairman, malalagay sa piligro hindi lamang ang buhay ni Ruby, kundi maging si Atty. Kevin. May happy ending pa nga ba ang dalawa?

Huwag bibitiw sa kinaaadikang pampa-goodvibes na Asianovela ng bansa, Wish Upon A Star, weekdays, 10:15 am sa Umaganda. Maki-tweet na sa Twitter, gamit ang hash tag na #WishUponAStarFinale sa November 1, sa huling episode ng nasabing koreanovela.

Picture5