ALEX CALLEJA, BIBIDA SA SARILING COMEDY SHOW SA CINEMO

Kakaibang katatawanan ang handog ni Alex Calleja, isa sa finalist sa prestihiyosong Funniest Person in the World 2016 competition ng Laugh Factory, sa kaniyang bagong palabas na “Lakas Tawa” sa CineMo ng ABS-CBN TVplus, kung saan dadalhin niya ang mundo ng stand-up comedy.

Originality ang dapat na abangan sa naturang palabas dahil ito ang pinapahagalagahan niya bilang isang komedyante. “Kailangan mong maging original. Magsulat ka ng sarili mong joke, gumawa ka ng sarili mong persona, identity. Magsulat ka tungkol sa mga bagay na alam mo,” tip ni Alex para sa mga nangangarap na maging komedyante.


 Kahit na patok ang pagpapatawa niya bilang isang writer sa “It’s Showtime,” iba pa rin daw ang kaba at pressure na bumida sa sarili niyang show. “Andoon ‘yung pressure kasi ako rin ang nagsusulat para sa show. Pero masaya naman. Iba ang feeling na magsulat para sa sitcom kasi ibang tao ang nagde-deliver ng mga linya. Dito, ako mismo ang nagbibitaw ng jokes,” aniya. 

Sa “Lakas Tawa,” pagtatagpiiin ni Alex ang kanyang jokes para bumuo ng iisang kuwento o monologue. Maliban sa jokes, magbabahagi rin siya ng kaalaman sa “Aleksyon of the Day” na isa sa segments ng programa. 

Ito na nga ang isa sa biggest breaks ni Alex sa sampung taon niya sa mundo ng komedya matapos niyang iwan ang dating career sa IT at programming. Pinili niyang sundan ang kanyang pangarap na makapagpatawa ng mga tao at naging writer sa Kapamilya shows tulad ng “It’s Showtime,” “Goin’ Bulilit,” at ang Sunday sitcom ng CineMo, ang “Funny Ka, Pare Ko.”

Unti-unti rin siyang nakagawa ng sariling pangalan sa stand-up comedy scene sa bansa kasama ang kaniyang grupong Comedy Manila. Mangilang beses na rin siyang sumali sa mga comedy competition sa loob at labas ng bansa, kabilang na ang stand-up comedy contest ng DZMM Teleradyo noong 2008, ang “LOL: Laugh Out Loud” at ang “Funniest Person in the World” competition ng Laugh Factory sa ginanap sa Finland noong nakaraang taon.

 

Dagdag pa ni Alex, mataas ang pangarap niya para sa stand-up comedy sa bansa at ikinatutuwa ang pag-usbong nito sa mainstream media.
 Panoorin ang “Lakas Tawa” tatlong beses sa isang araw sa CineMo ng 10:55 AM, 4:55 PM, at 10:55 PM, Lunes hanggang Sabado.

La Luna Sangre Minamahal ng Bayan maging ng mga Alien?

Umaarangkada nga ngayon ang Pagsisimula ng Bigating Fantaseryeng La Luna Sangre,Patunay nito ang mataas na Pilot Rating at Mas Tumaas pa sa 2nd Episode.

Noong Lunes ay Nakapagtala ito ng Record Breaking Pilot Episode na 33.9% kumpara sa 13.8% ng katapat na Programa,Ito ang Highest Rated Pilot Episode This Year.

Nitong Martes naman ay pumalo pa sa 35% National TV Ratings na mas mataas muli kumpara sa katapat na 15.7%. Ito na rin ang Highest Rating Posted by a Program for a Second Slot this Year.

Ang Pilot Episode naman na #LaLunaSangreAngSimula ay naging No.1 Trending Topic Nationwide at Worldwide na pumalo sa mahigit 650k Real And Organic Tweets.

Ang lahat ngang ito ay Isang Patunay na ang La Luna Sangre ang pinakaBagong Paboritong Programa ng buong bayan at maging ang Katapat na Programa ay tila nahuhumaling na rin dito kaya naman napapa Sarreh na lang sila.

Bukod sa Positive Feedback ng manunuod dahil sa Magandang Special Effects at Makatotohanang Pagganap ay tila kinagigiliwan din ngayon ng bayan ang Batang si Tristan na ginagampanan ng bagong Child Star na si Justin James dahil sa magiliw at magandang pagganap bilang batang Daniel Padilla.

Pakatutukan gabi gabi ang No.1 Action Fantasy Drama ng bansa na La Luna Sangre 8:30PM pagkatapos ng FPJ Ang Probinsyano sa Nangungunang PrimetimeBida.

TATLONG AWITIN NI JONA, KASAMA SA BILLBOARDPH TOP 20


Hindi lang isa kundi tatlong awitin ni Jona ang pumasok sa unang BillboardPH Top 20 Charts, ang “Pusong Ligaw,” “Maghihintay Ako,” at “You.”


Ang kanyang rendition ng “Pusong Ligaw” ang pinaka-wagi sa BillboardPH Charts dahil nakamit nito ang no. 3 ranking. Ito ay kasalukuyang theme song ng ABS-CBN teleserye na may parehong titulo.


Nasa no. 6 naman ang awitin ng Birit Queen member na “‘Maghihintay Ako.” Ito ay una niyang inawit para sa Himig Handog P-pop Love Songs noong 2016. Ang kanyang kantang “You,” na bahagi ng “My Ex and Whys” movie soundtrack ay hindi rin nagpahuli at nakamit nito ang no. 9 ranking.


Lahat ng awiting ito ay bahagi ng self-titled album ni Jona na inilunsad noong Pebrero, ang kanyang unang album sa ilalim ng Star Music.

Ang BillboardPH Top 20 ay kinikilala ang mga paboritong awiting lokal base sa listenership at purchases data mula sa iba’t ibang platforms. Ayon sa Billboard.PH, nira-rank ang mga kanta base sa datos na nanggagaling sa streaming activities sa Spotify, Apple Music at Youtube. Kasama din dito ang download sales data mula Apple iTunes. Katulong naman ang Nielsen Music para mabuo ang listahan ng mga nangungunang awitin.

P
Para sa karagdagang detalye tungkol sa album ni Jona, sundan ang Star Music  sa official social media accounts at facebook.com/starmusicph, twitter.com/starmusicph, and instagram.com/starmusicph.

MAJA SA PAGSABAK SA ACTION: “BRING IT ON!”


Maja Salvador, nakipagbakbakan ng naka-heels!

Trending at umani ng papuri ang ginawang action scenes ni Maja Salvador noong Lunes (June 12) sa matensyong episode ng hit primetime serye na “Wildflower.”


Inamin ng aktres na hindi naging madali ang naturang eksena kahit na may karanasan na siya sa aksyon sa iba niyang naging proyekto.


“May action scenes naman na ako na nagawa before pero mas matindi lang ang fight routines na pinagawa sa ‘kin dito sa ‘Wildflower’ tapos naka-heels pa,” paglalahad ni Maja.


“Pero okay lang kasi if you really love your character tapos you’re giving 100% para mapaganda ang show, magagawa at magagawa mo kahit gaano pa kahirap,” dagdag niya.


Malaki rin ang pasasalamat ni Maja sa kanyang fight instructor na inalalayan siya nang mabuti habang ginagawa ang eksena. 


“Salamat din pala sa suot kong heels kasi matibay siya!” pabirong sabi ni Maja.


Nang tanungin kung bukas siyang malinya sa mga action project, sagot ng “Wildflower” star, “Kung iyon ang mabibigay sa akin na project, why not? Game! Sabi nga ni Ivy Aguas, ‘bring it on!’ Gusto ko ‘yung mga project na may challenge sa akin. Dahil mas nae-explore ko pa kung ano pang kaya kong mabigay.”


Mas lalo pa ngang umiinit ang mga tagpo sa “Wildflower” lalo pa’t mas matindi na ang banggaan sa pagitan nina Ivy at Emilia (Aiko Melendez). Ano pa ang mga kayang gawin ni Emilia para mapabagsak lang si Ivy?


Pakatutukan ang “Wildflower,” Lunes hanggang Biyernes bago ang “TV Patrol” sa ABS-CBN o sa ABS-CBN HD (Skycable ch 167). Para sa updates, i-follow ang @wildflowerabscbn sa Instagram, @RSBDramaUnitNew sa Twitter at i-like ang official Facebook page ng programa sa https://www.facebook.com/wildflowerchannel2/.


Panoorin ang past episodes ng palabas sa iWant TV o sa skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers.

NADINE LUSTRE PA DIN BA HANGGANG SA HULI?


Alam nyo ba na ang nangunguna at hindi matinag tinag sa unang puwesto na si Nadine Lustre as of last update ng FHM Top 10 partial results ay hindi pa nagcocover sa mismong magazine ng FHM Philippines. Sya na nga ba ang tatanghaling Philippines’ finest at sexiest woman ngayong 2017?
Last day of voting! Whoever you vote for, make sure to make it count! Do so by visiting this link: http://bit.ly/2rxwWD5.


photo credits: nadzlustre & fhm.ph

LOOK: FHM Philippines’ September 2016 cover of Ms. Jessy Mendiola!

LOOK: FHM Philippines’ September 2016 cover of Ms. Jessy Mendiola! She finally graced the cover months after she won as the #FHMSexiest for 2016! Will she be able to defend her title? #KOWThrowback #FHMThrowback

Last day of voting! Whoever you vote for, make sure to make it count! Do so by visiting this link: http://bit.ly/2rxwWD5.


#FHM100Sexiest2017


photo credits: fhm.ph

KIM AT GERALD SABAY NA TINUTUPAD ANG PANGARAP SA “IKAW LANG ANG IIBIGIN” 


Jake, malalaman na kung sino ang tunay na ama…

Panibagong yugto ng kanilang buhay ang hinaharap ngayon nina Gabriel (Gerald Anderson) at Bianca (Kim Chiu) matapos silang piliin bilang tandem at endorser ng energy drink na Tigershark na pinagmamay-ari ni Carlos (Jake Cuenca), dahilan para mas tumindi ang galit nito sa Kapamilya noontime series na “Ikaw Lang ang Iibigin.”

Unti-unti nang natutupad ang mga pangarap ng magkakabata at ngayo’y nakikilala nang triathletes na sina Gabriel at Bianca sa pagkakataong ipinagkaloob sa kanila ni Roman (Michael De Mesa), ang ama ni Carlos na kumakatawan sa Tigershark. Ngunit matindi ang pagtutol dito ni Carlos, na iniisip na mas karapatdapat siya maging endorser ng sariling kumpanya. Dahil dito, mas magiging mainit ang tapatan nila ni Gabriel at patutunayang wala itong lugar sa kanyang kumpanya at sa puso ni Bianca.

Sabay naman sa mas lumiliit nilang mundo ang patuloy na pagsuyo ni Rigor (Daniel Fernando) kay Victoria (Ayen Munji-Laurel), na mas naglalapit sa kanila sa panganib mula kay Roman. Ngunit sa pilit nilang pag-iwas hindi inaasahang maririnig ni Carlos ang kanilang usapan at mabubulgar ang kanilang pinakatatagong sikreto — si Carlos ang tunay na anak ni Rigor kay Victoria.

Paano nga kaya makaaapekto sa kanilang mga buhay ang rebelasyong ito? Ano nga kaya ang gagawin ni Roman kapag nalaman niya ang panlolokong ginawa ni Victoria? Saan naman kaya hahantong ang tapatan nina Gabriel at Carlos para kay Bianca?

Samantala, patuloy naman ang pamamayagpag ng serye sa national TV ratings sa pagtala nito kamakailan ng national TV rating na 17.8%, kumpara sa katapat nitong serye na “Trops” na nagtala lamang ng 8.6%, ayon sa datos ng Kantar Media noong Martes (Hunyo 13). Hindi rin nagpapahuli ang netizens sa pagbabahagi ng papuri sa programa sa pagiging consistent trending topic ng “Ikaw Lang ang Iibigin” sa online world.

Huwag palampasin ang seryeng magpapatunay na hindi sumusuko ang puso sa pangarap at pag-ibig, ang “Ikaw Lang ang Iibigin,” sa ABS-CBN at sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167).